Kampo ni BBM, lubos na pinasalamatan ang endorsement ng PDP-Laban

Kampo ni BBM, lubos na pinasalamatan ang endorsement ng PDP-Laban

LUBOS na pinasalamatan ng kampo ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang endorsement ng PDP-Laban.

Ayon sa kampo ni Marcos, nagbunga ang mensahe ng pagkakaisa na kanilang paulit-ulit na ikinakampanya dahil isa na namang major political party ang nagpahayag ng suporta sa kanila.

Sinabi pa ng kampo ni BBM na mas pag-iibayuhin pa nila ang pagbabantay sa nalalapit na halalan lalo na’t kumakalat ang mga ulat ng posibleng dayaan.

Hinihikayat na rin ng UniTeam ang lahat ng supporters nito na mapagmatyag na at bantayan ang kanilang boto.

Makikita anila na angat si Marcos sa mga survey ngunit nagpapatuloy pa rin ang mga hakbang ng paninira na ginagawa ng mga kalaban at ito ang dapat bantayan.

Follow SMNI NEWS in Twitter