NAIS ipawalang-bisa ng kampo ni Presidential aspirant at former Senator Ferdinand Marcos Jr. sa Commission on Elections (COMELEC) ang petisyon na kanselahin ang kanyang Certificate of Candidacy (COC).
Naniniwala si Marcos na siya ay kwalipikado na maging Pangulo ng Pilipinas.
Ayon pa sa legal counsel ni Marcos na si Estelito Mendoza, nakasaad sa limang pahina ang kanilang hiling na ipawalang-bisa na isinumite sa Comelec.
Bukod pa rito, nais din ng kampo ni Marcos na gawing face-to-face ang argumento tungkol sa petisyon at hindi sa pamamagitan ng virtual o video conferencing.
Matatandaang, ilang mga human rights group ang naghain ng petisyon para i-diskwalipika ang COC ni Marcos dahil sa bigong paghain ng income tax returns mula 1982 hanggang 1985.