MULING binigyang-diin ng kampo ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena na malinis ito laban sa akusasyon na gumagamit ito ng performance enhancing drugs.
Ayon kay James Lafferty, ang mentor ni Obiena, sumailalim na sa 34 na doping tests simula nang ito ay maging professional athlete.
Ang 11 pa rito ay isinagawa ngayong 2023 at lahat ng resulta ng doping tests ay puro negatibo.
Maliban pa sa doping tests, sumailalim din si Obiena sa lie detector tests, at polygraph and eye detect para mapatunayan ngang hindi ito gumagamit ng kahit anong uri ng ilegal na droga.
Matatandaang inakusahan ng asawa ni French pole vaulter Renaud Lavillenie si Obiena na gumagamit ng performance enhancing drugs.