Kampo ni FPRRD itinanggi ang umano’y asylum application sa China

Kampo ni FPRRD itinanggi ang umano’y asylum application sa China

MULING itinanggi ng isa sa mga abogado ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nag-apply ito ng asylum sa China ngunit hindi inaprubahan kaya napilitan itong bumalik sa Pilipinas.

Ayon ito kay dating Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, isa sa mga legal counsel ni FPRRD.

Aniya, kung may katotohanan ang naturang alegasyon, dapat sana ay alam niya ito bilang abogado ng dating Pangulo.

Matatandaang noong Pasasalamat event ng dating Pangulo sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Hong Kong noong Marso 9, binanggit na nito ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya.

Doon ay ipinahayag na rin ni Duterte ang kaniyang kahandaang maaresto.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble