Kampo ni FPRRD walang ibinigay na aplikasyon sa Australia kaugnay sa interim release

Kampo ni FPRRD walang ibinigay na aplikasyon sa Australia kaugnay sa interim release

WALANG ibinigay na aplikasyon sa Australia ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil sa kaniyang interim release.

Nilinaw ito ni Vice President Sara Duterte matapos kumalat ang umano’y isang email mula sa isang opisyal ng Department of Foreign Affairs and Trade ng Australia.

Sa naturang email ay nakasaad na tinatanggihan ng Australia ang pagiging host sa pansamantalang pagpapalaya kay FPRRD.

Ayon kay VP Sara, hindi pa napag-usapan ang interim release ni FPRRD kasama ang pamahalaan ng Australia.

Wala ring intensiyon na maghain ng aplikasyon para sa interim release sa pamahalaan ng Australia.

Ipinunto ng pangalawang pangulo na bagamat may listahan ng mga bansang maaaring pag-aplayan ng interim release, ang listahan ay hindi naman isinumite bilang pormal na aplikasyon.

Mali aniya na isipin na dahil may listahan ay nagkaroon na ng aplikasyon sa lahat ng bansang iyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble