Kampo ni Pastor Quiboloy, ‘di nababahala sa ipinataw na sanctions ng US gov’t.

Kampo ni Pastor Quiboloy, ‘di nababahala sa ipinataw na sanctions ng US gov’t.

HINDI nababahala ang legal team ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa sanctions na ipinataw sa kanya ng gobyerno ng Amerika.

Ayon kay Atty. Manny Medrano, ‘toothless’ ang naturang press release dahil nakabase ito sa mga alegasyong hindi pa napapatunayan.

Idiniin naman ni Medrano na ‘denial of due process’ ang ginawa ng Amerika at hindi makatarungan.

Ikinakahiya rin ng American lawyer na si Atty. Medrano ang ginawang hakbang ng US government laban kay Pastor Apollo.

Aniya, hindi katanggap-tanggap na nagpadala ang Amerika sa mga alegasyon laban sa butihing Pastor.

Binigyang-diin din ni Atty. Michael Green na salungat sa justice system ng United States ang pagpataw ng US Treasury ng sanctions kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ani Green, ito’y dahil hinusgahan na nila kaagad si Pastor Apollo kahit hindi pa nagkaroon ng paglilitis at napatunayang nagkasala ito sa anumang krimen.

Muli namang iginiit ng abogado na ‘baseless’ ang lahat ng mga akusasyon laban sa butihing Pastor.

Samantala, iginiit naman ni Atty. Ferdinand Topacio na nalabag ang mga karapatang pantao ni Pastor Apollo C. Quiboloy dahil pinatawan na ito ng US government ng sanctions kahit wala pang napapatunayan sa mga kinakaharap niyang mga kaso.

Aniya, nakakadismaya ang ginawa ng Amerika na ipinagmamalaki ang ideya ng walang kinikilingang hustisya.

Follow SMNI NEWS in Twitter