Kandidato sa BSKE na naisyuhan ng show cause order, mahigit 800

Kandidato sa BSKE na naisyuhan ng show cause order, mahigit 800

TULUY-tuloy ang pagbabantay na ginagawa ng Commission on Elections (COMELEC) sa pamamagitan ng Anti Epal-Task Force sa mga kandidato ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na maagang nangangampanya.

Kahapon lang ay 159 na kandidato ang naisyuhan ng komisyon ng show cause order dahil sa premature campaigning.

As of September 18, umaabot na sa 896 ang napadalhan ng show cause kung saan ang mga kandidatong ito ay kailangang magpaliwanag o sumagot sa COMELEC.

Matatandaan na mahigpit ang tagubilin ng COMELEC na ang campaign period ay mangyayari pa lamang sa Oktubre 19 at doon pa lang puwedeng mangampanya o maglibot ang mga kandidato.

Ayon kay COMELEC chair George Garcia, may ilan nang sumagot sa show cause at ito ay nirerebyu na ng komisyon para sa paghahain ng formal disqualification at EO Case.

Follow SMNI NEWS on Twitter