MATAGUMPAY ang ‘Kandili ng Kalusugan’ program ng Pasay City.
Inilunsad ito nitong March 22, 2023 at naghahatid ito ng libreng health services sa mga residente ng lungsod partikular na sa Barangay 10, 11, 12, at 13.
Ang saklaw ng programa ay libreng konsultasyon, libreng gamot at bitamina maging ang pagsasagawa ng X-ray at laboratory tests para sa blood typing, blood glucose, cholesterol at uric acid.
Binigyan din ng anti-pneumonia vaccines ang senior citizens.