NAHAHARAP si dating Congressman Arnie Teves sa isang panibagong reklamo sa Department of Justice (DOJ).
Ang bagong reklamo sa prosekusyon laban dito, financing terrorism o pagpopondo sa mga aktibidad para sa terorismo.
Nagsimula na sa DOJ ang preliminary investigation hinggil sa naturang reklamo.
Sa ngayon, hiniling na ng DOJ panel sa korte na makansela ang pasaporte ni Teves.
Inaasikaso na rin ng DOJ ang aplikasyon sa interpol para sa pag-iisyu ng red notice laban kay Teves.
Hanggang ngayon ay nasa Timor Leste pa rin si Teves at patuloy na naghihintay sa resolusyon ng apela nito para sa asylum.
Ayon kay Clavano, Nakapag usap na si DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla at ang presidente ng Timor Leste hinggil umaasa ito na magiging paborable sa kanila ang sitwasyon.
Kampo ni Arnie Teves, wala pang maibigay na sagot hinggil sa reklamong terrorism financing
Samantala, ang kampo ni Teves, naghain naman ng oposisyon para sa kanselasyon ng pasaporte nito.
Bigo naman ito na makapagsumite ng kontra salaysay sa panibagong reklamo dahil hindi pa nila natanggap ang kumpletong detalye ng demanda.