Kantang “Comets” ng Ben&Ben, 4 years in the making

Kantang “Comets” ng Ben&Ben, 4 years in the making

INAMIN ng Filipino indie folk-pop band na Ben&Ben na four years in the making ang kanilang latest song na “Comets”.

Paliwanag ng grupo, noong pandemic nang mabuo ang kanta subalit ito ang pinakamatagal anila na hinanapan ng nababagay na tono kung arrangement at song structure ang pag-uusapan.

Nakipag-collab na rin sila sa Indonesian producer na si Petra Sihombing para sa kanta.

Sinabi rin ng Ben&Ben na nararamdaman nila na hindi pa nababagay ilabas noon ang kanta kung kaya’t isinantabi lang muna nila ito.

Ang kantang “Comets” ay sentro sa mga tao na pumasok sa ating buhay subalit hindi nakatadhanang manatili.

Ini-release ito noong Mayo 10, 2024.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble