SUMESENTRO sa paraan kung paano i-handle ang mental health issues ang kantang “Karera” ng P-pop girl group na BINI.
Ito ang inilahad ni OPM singer-songwriter Nica del Rosario na siyang sumulat ng nabanggit na kanta.
Aniya, ang lyrics ng kanta ay mensahe niya sa kaniya mismong sarili na minsan na ring nakaranas ng anxiety.
Mula dito, sa pamamagitan ng lyrics ay sinabi niya na hindi pa huli para sa lahat ang magsimula muli sa kabila ng mga hamon sa buhay.
Hinihikayat na rin ni Del Rosario na pakinggan ang kanta at suportahan ang grupong Bini.
Ini-release ang kanta noong Biyernes, Setyembre 22, 2023.