IDINMANDA umano ng sportswear brand na Adidas ang American rapper at record producer na si Kanye West sa halagang $250-M.
Mismong ang rapper ang nagsiwalat nito kasabay ang anunsiyo na maglalabas din ang Adidas ng panibagong shoe collection sa ilalim ng kaniyang pangalan.
Binigyang-diin nito na maituturing na peke ang panibagong collection dahil hindi siya binayaran ng Adidas para dito.
Matatandaang may collaboration ang sportswear brand at si West para sa YZY footwear line subalit natapos na ang brand sponsorship noong 2022 kasunod ang antisemitic comments ng rapper sa social media platform na X.
Ibig sabihin ng antisemitic comments ay mga pahayag na nagdudulot ng pinsala o poot sa mga Jewish.
Kaugnay rito, nang mahinto ang sponsorship ay may natira pang 1-B dollars na halaga ng Yeezy shoes.
Sa ngayon, ay wala pang pahayag ang Adidas ukol sa umano’y inihaing demanda laban sa record producer.