MULING nilunsad ng Department of Tourism (DOT) ang Kaon Ta, Kain Pa! Food and Travel Festival sa Cebu City kamakailan.
Layon ng nasabing programa na mai-promote ang Pilipinas bilang pangunahing ‘Food and Gastronomy’ destination sa Asya.
Pinangunahan ni DOT Undersecretary and Chief of Staff Mae Elaine Bathan ang programa kasama ang mga opisyales ng Ayala Malls.
Ang Food and Travel Festival ay may temang “Pulutan at Inumin” tampok ang masaganang culinary heritage, kakaibang drinking culture at artisinal brews ng bansa.