KAPA founder na si Pastor Joel Apolinario, naaresto na

KAPA founder na si Pastor Joel Apolinario, naaresto na

BONUS OFFER

 

ARESTADO na ang founder at presidente ng KAPA-Community Ministry International Inc., na si Pastor Joel Apolinario.

 

Nahuli si Apolinario ng mga miyembro ng PNP– Special Action Force (SAF) sa isang operasyon sa Barangay Handayaman, Lingig, Surigao del Sur.

Sa paunang impormasyon mula sa Lingig Municipal Police Station, nagkaroon muna ng engkwentro sa pagitan ng mga pulis at bodyguard ni Apolinario bago ito kusang sumuko sa mga otoridad.

 

Bukod kay Apolinario, nasa 23 indibwal pa ang naaresto sa nasabing operasyon habang dalawa ang nasawi sa engkwentro at isa ang nasugatan.

 

Samu’t saring armas, granada at mga bala rin ang nakumpiska sa mga suspek.

 

Kabilang sa nakumpisa mula sa mga suspek ang 30 units ng M16 rifle, 2 units ng M4 1 grand rifle, 3 60 caliber machine gun, 1 Cal 50 sniper rifle, 3 Cal 22 rifle, 1 carbine, 1 shotgun, 2 RPG rifle, 5 cal 45 pistol, 2 rocket propelled grenade, at iba’t ibang mga bala.

 

Matatandaang nahaharap sa kasong syndicated estafa si Apolinario at anim pang opisyal ng KAPA.

 

SMNI NEWS

Low cost charcoal

Leave a Reply

Your email address will not be published.