Kapabayaan ng CPP-NPA-NDF sa mga miyembro nito, inihayag ng dating rebelde

Kapabayaan ng CPP-NPA-NDF sa mga miyembro nito, inihayag ng dating rebelde

INIHAYAG ng dating rebelde ang kapabayaan ng CPP-NPA-NDF sa mga miyembro nito.

Mula sa hindi pag-asikaso sa may mga sakit hanggang sa bawian na lang ng buhay ay mapait na inilahad ng dating kumander ang kapabayaan ng CPP-NPA-NDF .

Naging emosiyonal ang isang Kadre na si alyas Marikit ngayong araw ng kaniyang maalala ang mapait na sinapit ng iilan sa kaniyang kasamahan sa loob ng kilusan.

Di maiwasang maluha ng dating rebelde na si Ka Marikit ng kaniyang balikan ang mapapait na nakaraan noong siya ay commander pa ng New People’s Army (NPA).

Sa Programang Laban Kasama ang Bayan ng SMNI, isinalaysay Ka Marikit ang ibat ibang storya ng kaniyang kasamahan na namatay dahil sa kapabayaan ng partido, at isa na rito ay ang malapit na kaibigan ni Ka Marikit na si Ka Pudong na naging dahilan ng pagkademoralisa ng mga kasamahang kabataan na nasa urban area.

‘’For seven years binigay ko po lahat ng efforts ko sa kilusan..si Ka Pudong may sakit siya..ang nangyari po dahil sa kakulangan ng  atensiyon sa kasama..may dugo na lumabas sa tenga..yung time na palalabasin na sana siya yun po ang time na namatay siya,’’ayon kay Ka Marikit.

Ayon pa kay Ka Marikit di rin nag tagal ay  nasundan pa ito ng pagkamatay ng isang mahusay at matalino na lider at nakasama rin ni Ka Marikit sa University of the Philippines Mindanao na si Ka Perper, na namatay dahil sa engkwentro.

‘’Namatay po siya sa isang encounter..napaka bata pa po ni Ka Perper, siya po ang pinaka mahusay at pinaka matalinong schoolmate ko po sa UP Mindanao,’’saad nito.

Samantala, bilang isang commander ng New People’s Army, naging kapagsubukan din kay Ka Marikit ang kapabayaan ng mas nakatataas sa kaniya para mapanatiling buhay ang kaniyang mga kasamahan sa loob ng partido.

Ayon pa sa testimoniya ni Ka Marikit, marami pa ang nasawi dahil sa sunod sunod na operasyon ng militar at kabilang na mga namatay ay ang kaniyang asawa. Isa lamang itong babala para sa iilan pa nating kababayan na nalinlang ng CPP-NPA-NDF.

SMNI NEWS