Kapakanan ng KOJC missionaries, dahilan ng boluntaryong pagsuko ni Pastor Quiboloy

Kapakanan ng KOJC missionaries, dahilan ng boluntaryong pagsuko ni Pastor Quiboloy

KAPAKANAN pa rin ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) missionaries ang iniisip ni Pastor Apollo C. Quiboloy kaya boluntaryo itong sumuko sa mga awtoridad.

Ayon kay Atty. Israelito Torreon, legal counsel ng KOJC, lalong nabahala si Pastor Apollo nang makatanggap ito ng mensahe na maaaring hulihin ang lahat ng KOJC missionaries dahil magsasagawa ang PNP ng all out search sa compound.

“Galing sa bundok noh whether you believe it or not pumasok siya ulit sa compound to check on his followers and he has to inform them that he has to surrender, this has to end and ang kapakanan daw ng kanyang miyembro ang pinakaimportante and he even checked on his people kaya ‘yung sabi ni Gen. Torre andiyan lang yan si pastor naglakad-lakad lang ‘yan, hindi ‘yun totoo until what you call this until mga September 7 onwards.”

“Nakapag-usap kami and ‘yun nga sabi niya hindi ko na matiis ‘yung kanyang mga miyembro sa kanilang mga sufferings he did not want the lawless violence to expand further and he wanted to do the ultimate sacrifice,” ayon kay Atty. Israelito Torreon, Legal Counsel, KOJC.

Nilinaw rin ni Atty. Torreon na walang galit si Pastor Apollo at hangad lamang nito ay hustisya kaya tama na umano ang siraan.

“Si Pastor Apollo C. Quiboloy sabi nya sa akin he has no anger in his heart, wala siyang anger, wala siyang galit sa kanyang puso, ang kanyang gusto lamang is of course justice, ano ang ibig sabihin niyan hindi siya galit pero kung sino ang may kasalanan let justice have its course.”

“Hindi man ako galit sa kanila, alam ko naman na napag-utusan lang sila pero hustisya pa rin.”

“Tapos [sabi ko] kamusta man sir? Kamusta ka?  Sabi niya, grabe ang nangyari Atty. noh? [Bakit naman pastor?] Nalaman na ngayon ng buong sanlibutan ano ang KOJC, our place in the spotlight. Hindi man natin ito sinadya. Isipin mo, 5,000 pulis naghanap sa akin, hindi talaga nila ako nakita,” ayon pa kay Torreon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble