Kapakanan ng mga health workers, prayoridad ng special authority ng Pangulo

PINAGTUTUUNAN ng pansin ng pamahalaan ang kapakanan ng mga health workers, ang frontliners ng gobyerno sa laban ng bansa kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID- 19).

Ito ang panganib na kinakaharap ngayon ng mga medical workers sa laban ng pamahalaan kontra COVID- 19.

Sa laban na ito, may mga doktor nang nagbuwis ng buhay dahil mismong mga frontliners ay hindi ligtas sa virus.

Ayon kay Dr. Cito Nuñez ng East Avenue Medical Center, bukod sa physical health, nariyan pa ang mental at emotional distress na kakaharapin ng mga front-liners lalo na kung matatagalan pa ang mga eksperto sa paghahanap ng bakuna kontra dito.

May mga health workers kasi na malayo sa pamilya, habang ang iba ay natatakot na umuwi dahil baka madala sa kani- kanilang pamamahay ang virus.

Sa bagong nilagdaang batas ni Pangulong Duterte, bibigyan ng malaking kompensasyon ang mga health workers na magkakasakit at masasawi dahil sa COVID- 19.

Ayon sa Republic Act 11469 o Ang Bayanihan To Heal As One Act na nagbibigay ng special authority sa pangulo ngayong may umiiral na health crisis sa bansa P100,000 ang matatanggap ng mga matatamaan ng severe COVID-19 habang P1- million naman ang matatanggap kapag namatay dahil sa virus ang isang heath worker.

Meron ding matatanggap na COVID-19 risk allowance habang sasagutin naman ng philhealth ang bayad sa gamutan at iba pang medical expenses ng mga health workers kung magkaroon ito ng kahit anong medical related disease o injury habang ginagampanan nito ang tungkulin laban sa virus.

Parehong tatanggap nito ang mga private at public health workers.

Ayon naman sa barangay health workers partylist, welcome development ang financial aid ng administrasyon para sa mga health workers.

Ayon kay BHW Party-List Rep. Nica Co, karapatdapat na mabigyan ng ayuda ang mga health workers dahil sa sakripisyo ng mga ito para malabanan ang COVID- 19

“Dapat lang mabigyan ng compensation ang ating mga health workers na siyang pinaka vulnerable sa coronavirus. Sila ang front liners na nagtataya ng kanilang buhay upang mabigyan ng tamang treatment ang mga kababayan nating nagkaroon na ng virus na ito.”

         Rep. Angelica Co, BHW Party- List

Nauna namang nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Administrarive Order 26 na nagbibigay ng hazard pay sa mga manggagawa sa gobyerno na pumapasok sa trabaho sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa COVID-19.

Sa ilalim ng AO, makatatanggap ng dagdag na P500 hazard pay kada araw ang mga manggagawa na pumapasok sa trabaho.

Saklaw ng AO ang mga regular status employees, casual at contractual ganundin ang mga contract of service personnel (COS).

Dahil dito, nagpapasalamat ang hanay ng mga health workers sa East Avenue Medical Center sa suportang ibinigay ng gobyerno sa kanila.

Ulat ni: MJ Mondejar

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.