Kapakanan ng Pinoy seamen, tututukan ng administrasyon –Romualdez

Kapakanan ng Pinoy seamen, tututukan ng administrasyon –Romualdez

MARIING tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na tututukan ng Marcos administration ang kapakanan ng mga Pinoy seamen.

Ginawa ni Romualdez ang pahayag matapos makausap ang isang grupo ng Pinoy seamen sa labas ng isang hotel sa Makati City.

Sa kanyang pakikipag-dayalogo sa sektor, iginiit ni Romualdez sa mga ito na ‘committed’ ang buong pamahalaan sa pag-promote sa karapatan ng Filipino Seafarers at OFWs.

Sa Kamara, lusot na sa Committee on Overseas Workers Affairs ang Magna Carta for Seafarers Bill na magtataguyod sa karapatan ng sea based workers ng bansa.

Pasok sa panukala ang pagtiyak sa karapatan ng Pinoy seamen sa educational advancement at training sa resonable at mababang halaga.

Katuwang ng Kamara sa pagbuo sa panukala ay ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at iba pang sangay ng pamahalaan.

Aakyat naman sa plenary deliberations ang panukala sa susunod na linggo ayon kay Overseas Workers Affairs panel Chairman Ron Salo.

Follow SMNI NEWS in Twitter