Kapalit sa pagpayag na magtayo ng EDCA sites sa bansa, hindi malinaw—Atty. Roque

Kapalit sa pagpayag na magtayo ng EDCA sites sa bansa, hindi malinaw—Atty. Roque

NAIS malaman ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque kung ano ang kapalit ng pagpayag ng Pilipinas sa pagtatayo ng Estados Unidos ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites.

Ani Roque, hindi sapat ang pangakong magbibigay ng seguridad ang Estados Unidos dahil mas mainam aniya na magiging kapalit kung isasailalim nila sa modernisasyon ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.

Dagdag pa ni Roque, kung mapapansin ay hindi iniiwan ng Estados Unidos ang kanilang ibinibidang modernong kagamitan tuwing may Balikatan Exercises.

Kaugnay naman sa nakatakdang pag-expire ng EDCA sa susunod na taon, binigyang-diin ni Roque na dapat pag-isipan nang mabuti ng pamahalaan ang hakbang para dito.

Dahil aniya, kung hindi ma-terminate ang kasunduan ay magiging valid na habambuhay na ang EDCA sites.

Kung titiwalag naman sa kasunduan pagkatapos ma-expire, kinakailangan pang magbigay ng 6 na buwang notice sa Estados Unidos.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter