Kapartido ni PRRD, naghihintay sa i-eendorso nitong kandidato para sa 2022 elections

Kapartido ni PRRD, naghihintay sa i-eendorso nitong kandidato para sa 2022 elections

HALOS lahat ng kapartido ni Pangulong Rodrigo Duterte ay naghihintay sa i-eendorso nitong kandidato para sa 2022 elections.

Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni senatorial candidate Greco Belgica na ‘di hihigit sa 5% sa kanilang kapartido ang nauna nang pumili sa kanilang susuportahan.

Para naman sa dating supporter ni Pangulong Duterte na lumipat sa ibang partido, inihayag ni Belgica na maaari nilang bawiin ang kanilang suporta at bumalik sa PDP kung nanaiisin nila.

Ayon pa kay Belgica, ang pagka-senador na lamang ang labanan sa ngayon dahil tapos na ang labanan sa pagkapangulo at bise kung saan ang BBM-Sara tandem na ang wagi.

Dahil dito, hinikayat nito ang publiko na pakinggan ang kanilang mga plano at piliin ang tunay na may alam sa pagresolba sa kinakaharap ng bansa at makapagpapatuloy sa ginawa ni pangulong Duterte.

PRRD, umaasang ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang NTF-ELCAC

Umaasa si Pangulong Duterte na ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Inihayag ito ng pangulo sa kanyang Talk to The People Address.

Inudyok din ni Duterte ang mga komunista na sumuko na sa awtoridad at kapalit nito ay nangako itong mabibigyan ng trabaho, at matitirhan ang mga susukong rebelde.

Hinimok din ni Duterte ang lahat na huwag sumali sa mga rebelde na kasabwat ang mga miyembro ng mga political party.

Dagdag pa ni Duterte, mayroon pang isang political party na pinamumunuan ng isang kandidato na tumatakbo sa pagkapresidente ang napasok na ng mga rebelde ngunit hindi naman nito pinangalanan.

Follow SMNI News on Twitter