Kapatid ni Arnie Teves, nakipag-ugnayan sa Kamara

Kapatid ni Arnie Teves, nakipag-ugnayan sa Kamara

NAKIPAG-ugnayan ang kapatid ni suspended Congressman Arnie Teves sa Kamara batay sa impormasyon mula kay House Secretary General Reggie Velasco.

Sa isang panayam, giit ni Velasco na tumawag sa kaniya si dating Governor Pryde Henry Teves at nag-isyu ng paglilinaw hinggil sa napapabalitang pag-uwi ng kaniyang kapatid.

Saad ni Velasco, mismong ang kapatid na Teves ay walang alam o walang confirmation kung uuwi ba ng Pilipinas ang suspendidong kongresista.

 “Ang sabi niya kahit siya walang confirmation kung darating talaga siya (Arnie),” ani Velasco.

Sila sa Kamara giit ng House Secretary General ay welcome development kung talagang uuwi ng bansa si Teves.

Katunayan, handa umano si House Speaker Martin Romualdez na mag-provide ng security para tiyakin ang kaligtasan ng suspendidong mambabatas.

Nauna nang sinabi ni Justice Secretary Boying Remulla na may source siyang nagsabi na uuwi ng bansa sa Miyerkules (May 17, 2023) si Teves.

Pero sa mensahe nito sa SMNI News at DZAR, itinanggi ni Teves ang claim ni Remulla at tinawag na ‘fake news’ ang pahayag ng kalihim.

Follow SMNI NEWS in Twitter