KINUMPIRMA ni Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac na maagang uuwi sa Pilipinas ang kapatid ni Mary Jane Veloso kaysa sa inaasahan.
Mula sa orihinal na target na petsa ng repatriation bago mag-Pasko, ngayong linggo na aniya makakauwi ng bansa ang babaeng kapatid ni Mary Jane.
Inaasahan namang sa darating na Pasko ay mabubuo ang kanilang pamilya sa sandaling maplantsa na ang paglilipat kay Mary Jane sa Pilipinas mula sa piitan sa Indonesia.
Una nang dinalaw ni Cacdac ang pamilya Veloso sa Nueva Ecija kung saan nakaharap niya ang mag-asawang Celia at Cesar Veloso.
Tiniyak din ng Bureau of Corrections na maaaring mamili si Mary Jane kung nais niyang ipagpatuloy ang pagsisilbi ng kaniyang sentensiya sa piitan sa Metro Manila o sa Davao o Palawan.
Tiniyak din ng BuCor na may nakahandang trabaho kay Mary Jane sa paglaya nito.