Kapatid ni Percy Lapid na si Roy Mabasa, nakatatanggap na ng maraming death threats

Kapatid ni Percy Lapid na si Roy Mabasa, nakatatanggap na ng maraming death threats

KINUMPIRMA ng kapatid ni Percy Lapid na si Roy Mabasa na nakatangap na siya ng magkakasunod na mga death threats nitong mga nakalipas na araw.

Sinabi ni Mabasa na ipinadala ang mga pagbabanta sa kanyang buhay sa pamamagitan ng mga text messages, sa messenger at video chat.

Ipinaliwanag ni Mabasa na ito ang dahilan kaya hindi siya nakadalo kanina sa Department of Justice para sa unang preliminary investigation kaugnay sa pagpatay sa kanyang kapatid.

Kaugnay nito ay pinayuhan umano siya ng kanilang abogado na huwag nang dumalo sa nasabing pagdinig at sa iba pang pakikiharap, sa halip ay manatili na lang muna sa isang ligtas na lugar.

Follow SMNI NEWS in Twitter