BINIGYANG-diin ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang kahalagahan ng kapayapaan at kaayusan sa pag-unlad ng siyudad ng Davao at ang mahalagang papel na kanilang ginagampanan para makamit ito.
Binanggit ito ni VP Sara sa isang pagtitipon kasama ang mga barangay official sa siyudad ng Davao.
Pinaalalahanan nito ang mga barangay official na dapat walang taong mamatay sa dahilan na hindi nila ginawa or pinatupad ang mga proyekto at programa para sa kanilang mga barangay at nasasakupan.
Prayoridad aniya ng siyudad ay siguraduhin ang seguridad at pag-unlad ng kanilang mga barangay.
“Simple lang ang dapat nila tandaan, dapat ay hindi natatakot ang mga tao na kapag lumabas sila ng bahay ay maho-holdap or manakawan, at dapat meron silang nabibiling pagkain sa presyo na kaya nilang bilhin. Ganito ang mukha ng seguridad at kaunlaran,” ayon kay VP Sara Duterte.
Ani VP Duterte na huwag dapat pumayag atakehin ang siyudad ng Davao dahil binigyan ng prayoridad sa paggamit ng pondo ang seguridad at kapayapaan para sa pag-unlad nito.
“Mga kababayan, patuloy tayo maging MATATAG sa pagtaguyod ng isang Bansang Makabata at mga Batang Makabansa,” saad ni VP Duterte.