Kapayapaan, seguridad sa NegOr, tiniyak ng PNP, DILG

Kapayapaan, seguridad sa NegOr, tiniyak ng PNP, DILG

TINIYAK ng Police Regional Office (PRO) 7 sa mga mamamayan ng Negros Oriental (NegOr) ang kapayapaan sa kanilang lalawigan.

Ito’y kasunod ng command visit at talk to men ni Interior Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr. sa Camp Lieutenant Colonel Francisco Fernandez, Jr. sa Sibulan, Negros Oriental.

Naroon din sa pagbisita ni Abalos sina Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Operations PLtGen. Michael John Dubria, Negros Oriental Governor Manuel Sagarbarria, PRO-7 Regional Director PBGen. Anthony Aberin, at iba pang opisyal.

Sa kaniyang mensahe, muling itiniyak ni Abalos ang pagbibigay ng hustisya sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at walo pang biktima upang maibalik ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.

Kinilala rin ng kalihim ang patuloy na pagtutulungan ng PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP) at pamahalaang panlalawigan ng Negros Oriental.

Binigyang-diin naman ni BGen. Aberin na sa pamamagitan ng aktibong police force at sa suporta ng mga komunidad ay pinagtitibay nila ang kanilang pangako ng kapayapaan at seguridad sa buong Central Visayas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter