BANTAY-SARADO ng mga katutubo ang Kapitolyo ng Davao del Norte simula nang inisyuhan ng preventive suspension order si Gov. Edwin Jubahib noong Huwebes Abril 11 mula sa tanggapan ng Pangulo.
Ang mga ito ay boluntaryong nagtungo sa kapitolyo mula pa sa malalayong barangay sa bayan Talaingod, Kapalong at bayan ng Asuncion.
Upang ipakita ang kanilang suporta kay Gov. Jubahib na sinuspinde dahil umano sa pang-aabuso ng kapangyarihan. Bilang sukli na rin ng mga katutubong Lumad sa mga nagawang programa ng gobernador sa kanilang lugar tulad ng pagsemento ng mga daan sa kanilang barangay, serbisyong-medikal, at iba pa.
Samantala, nanatili pa rin sa kapitolyo ang gobernador hanggang sa hindi maalis ang suspensiyon na ipinataw sa kaniya.
Giit ni Jubahib na hindi dumaan sa tamang proseso ang naturang suspension.