Kapulisan sa Cebu ipinakalat upang magbantay ngayong araw sa huling SONA ni Pangulong Duterte

Kapulisan sa Cebu ipinakalat upang magbantay ngayong araw sa huling SONA ni Pangulong Duterte

MAHIGIT 200 mga kapulisan sa Cebu ang ipinakalat ngayong araw  para sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa iba’t ibang bahagi ng syudad para sa inaasahang mga pagkilos.

Pangunahing mga lugar na babantayan ngayon ng mga pulis ay ang tanggapan ng  Department of Labor and Employment (DOLE), Fuente Osmeña Circle, Colon Street at maging ang Plaza Independencia.

Samantala itinaas sa alert status hangang full alert ang pagbabantay ng mga kapulisan sa Cebu at maaari lang itong ibaba pagkatapos ng SONA ni Pangulong Duterte.

Sa ngayon wala namang nakikitang malaking grupo na pinangangambahang gagawa ng pagkilos.

Gayunpaman, mahigpit pa ring nakabantay sa gaganaping SONA kasabay ang pagsiguro na masusunod ang mga pinatutupad na mas pinahigpit na (IATF) protocols, dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa syudad ng Cebu.

Nakahanda rin ang CCPO na buwagin ang mga raliyista kung sakaling may mabuo na pagkilos anumang oras.

Samantala, inihayag ni Acting City Mayor Michael Rama na ang pamahalaang lungsod ay nakatakdang maglabas ng Executive Order (EO) na magbabalik ang mahigpit na mga protocol restriction sa loob ng isang buwan.

Kabilang sa mga paghihigpit na ipatutupad nilang muli ay ang pag-ban ng mga alak at curfew hour na magsisimula ng 10 ng gabi sa halip na 11 ng gabi.

SMNI NEWS