ISINUKO ng mga mangingisda sa Cagayan ang karagdagang 15 plastic packs na naglalaman ng shabu.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Miyerkules, Hunyo 18, 2025, natagpuan ito ng mga mangingisda na palutang-lutang sa baybayin ng Cagayan partikular na sa pagitan ng Babuyan Island at Gonzaga.
Ang bawat plastic pack ay naglalaman ng isang kilong shabu at tinatayang nagkakahalaga sa kabuuang P102M.
Sa hiwalay pa na ulat, isang pakete ng shabu na may bigat na 400 grams ang nakita sa karagatan ng Camiguin Island at Cape Engaño, na sakop pa rin ng Cagayan.
Nasa P2.7M naman ang halaga nito.
Samantala, noong Hunyo 15 ay nauna nang nakapulot ang ilan ding mangingisda sa Cagayan ng 47 kilo ng shabu.
Nagkakahalaga ito ng P321.8M.