TINATRABAHO na ng Department of Health (DOH) ang pagkakaroon ng halos 2-M karagdagang bivalent vaccines mula sa COVAX Facility.
Ang COVAX ay isang global program na naglalayong mapabilis ang produksiyon, development at distribusyon ng COVID-19 vaccines sa buong mundo.
Matatandaan na dumating ang unang batch ng bivalent jabs na donasyon ng Lithuanian government sa bansa noong Hunyo 3 at nakatakda itong ma-expire sa Nobyembre 23.
Sa ngayon ay naipamahagi na rin sa iba’t ibang regional office ng DOH ang mga nasabing bivalent vaccines ayon pa kay DOH Secretary Dr. Teodoro Herbosa.