TARGET ng Department of Agriculture (DA) na madagdagan ng hanggang 260 ang Kadiwa Centers nationwide sa susunod na taon.
Sa kasalukuyan ay nasa 41 Kadiwa Centers pa lang ang available sa buong bansa ayon kay DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr.
Mula rito ay pursigido rin ang ahensiya na maabot ang 1,500 Kadiwa Stores sa taong 2028.
Sa mga Kadiwa Center ay ibinibenta ang nasa 29 hanggang P42 per kilo na bigas.