Karagdagang 362,700 doses ng Pfizer vaccine dumating na sa bansa

Karagdagang 362,700 doses ng Pfizer vaccine dumating na sa bansa

DUMATING na sa bansa ang karagdagang 362,700 doses ng Pfizer vaccine.

Sakay ng Flight LD457 lumapag pasado 9:00 kagabi ang nasa kabuang 362,700 doses ng Pfizer vaccine na binili ng Pilipinas.

Sinalubong nina NTF special adviser Dr. Teodoro Herbosa, Department of Health (DOH) Director Ariel Valencia, at  US Embassy Counselor for Economic Affairs David ‘Chip’ Gamble .

Sa bilang na ito una nang natanggap ng Cebu ang 50,310 doses ng naturang bakuna kagabi.

Habang parehong dami ng doses ng bakuna ang nakalaan din sa Davao.

Ang natitirang 262,080 doses ng Pfizer ay dinala sa Pharmaserv Express sa Marikina City bago idi-deploy sa National Capital Region (NCR).

Ayon naman kay Assistant Secretary Wilben Mayor ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, batay sa napag-usapan ng vaccine cluster bukod sa NCR idi-deploy din ang mga naturang bakuna sa may matataas na kaso ng COVID-19 gaya sa Region 4 at iba pang probinsiya na may kakayahan na mangangasiwa ng naturang bakuna .

“Based na rin sa discussion ng vaccine cluster, this will be deployed sa [areas with] high cases. Ang ating principle dyan is what we call the focus and expand,” ayon kay Mayor.

Nasa kabuuang 4,951,440 doses ng Pfizer vaccines na binili at donasyon ang tinanggap na ng Pilipinas.

Samantala, sa kabuuan simula kahapon August 25, ay 48,885,590 doses na ng COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa.

SMNI NEWS