NAITALA ang 406 na nakarekober mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ngayong araw, Marso 11.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 546,671 o 90.1 percent ang nakarekober sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang.
(BASAHIN: COVID-19 cases sa Pilipinas, lampas na sa 600,000)
Naitala rin ng DOH ang karagdagang 3,749 na bagong kaso ng COVID-19 at 63 ang bagong nasawi.
Dahil dito, umabot na sa 47,769 ang aktibong kaso na kasalukuyang ginagamot at 12, 608 kabuuang nasawi.
Sa aktibong kaso, 91.6 percent ang may mild symptoms, 4.4 percent ang asymptomatic, 1.6 percent ang nasa kritikal, 1.6 ang severe, at 0.77 percent ang moderate.
Naitayang nasa 21,400 beds ang inilaan para sa mga COVID-19 patient habang 55 percent sa kabuuang 1,900 intensive care unit beds ang maaari pang magamit.
Nasa 63 percent ay okupado ang kabuuang 13,500 isolation beds at 72 percent sa 6,000 ward beds ay inilaan sa COVID-19 cases.
Mayroon pang 1,480 o 74 percent ng bentilador sa buong bansa ang maaaring magamit ng COVID-19 patients.