Karagdagang 5K baboy, babakunahan ng DA laban sa ASF

Karagdagang 5K baboy, babakunahan ng DA laban sa ASF

NAKAHANDA na ang Department of Agriculture (DA) na magsagawa ng bakuna kontra African Swine Fever (ASF) sa karagdagang limang libong mga baboy.

Ang limang libong mga baboy ay tukoy na at dumaan na sa kinakailangang mga proseso.

Ang gagamitin na bakuna sa limang libong mga baboy ay bahagi sa nabiling 10K doses na ASF vaccines sa pamamagitan ng emergency procurement.

Samantala, inaasahan namang darating sa susunod na buwan ang 600K doses pa na ASF vaccines.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble