Karagdagang 802 contact tracers, ipinakakalat sa NCR

IPINAKAKALAT ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang karagdagang contact tracers sa National Capital Region (NCR) upang tulungan ang local government units (LGUs) sa pagtugon sa lumalalang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na mag-deploy ang Philippine National Police (PNP) ng karagdang 362 na mga pulis sa iba’t ibang LGU sa Metro Manila upang mapunan pa ang contact tracing effort sa mga lugar.

Magdagdag din ang Bureau of Fire Protectoin (BFP) ng 100 uniformed personnel kung saan 60 ay ipakakalat sa Quezon City at 40 naman sa Pasay City.

“The Chiefs of Police and the Fire Marshalls have been instructed to coordinate with their respective LGUs for their respective requirements. If the LGUs, for example, needs more, the chiefs of police can request from their District Director, and if these cannot be met by the district, the NCRPO can deploy the remaining personnel from the mobile forces,” ayon kay Malaya.

Inatasan din ni DILG OIC Bernardo Florece ang police regional offices na magpadala ng 20 na tauhan bawat isa upang magsagawa ng remote contact tracing na maaaring kailangan ng Metro Manila LGUs.

“The Police Regional Offices will be assigned to each of the LGUs and they will help in making calls and monitoring the status of COVID positives,” ani Malaya.

Maliban dito ay magdagdag din ang Manila Development Authority (MMDA) ng 300 contact tracers na ipakakalat sa iba’t ibang LGUs.

“So, that’s a total of 802 contact tracers from the DILG and 300 from the MMDA. The Metro Manila LGUs are also doing their hiring so we have sufficient number of CTs to meet our needs,” ayon kay Malaya.

(BASAHIN: 13 lungsod sa NCR, kasali sa mga lugar na may biglaang pagtaas ng COVID-19 cases)

SMNI NEWS