Karagdagang gunboats mula Israel, plano ng PH Navy

Karagdagang gunboats mula Israel, plano ng PH Navy

PLANO ng Philippine Navy (PN) na makakuha ng 15 pang Israel-made Shaldag Mark V missile boats para sa kanilang Acero-class Patrol Gunboat.

Ito ang inihayag ni Philippine Navy chief Rear Admiral Toribio Adaci Jr. matapos ang joint commissioning at send-off ceremony ng BRP Nestor Acero (PG-901) at BRP Lolinato To-Ong (PG-902) sa Naval Station Jose Andrada sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Adaci, ang karagdagang gunboats ay makatutulong sa kanilang pagpapatrolya sa teritoryo ng bansa.

Partikular aniyang itatalaga ang gunboats sa Littoral Combat Force.

Nabatid na ang apat na gunboats ay made-deliver sa bansa sa susunod na taon.

Habang ang tatlo pang gunboats ay bubuuin sa Naval Station Pascual Ledesma sa Cavite sa 2024.

Follow SMNI NEWS in Twitter