ISINUSULONG ni Sen. Mark Villar ang pagkakaroon ng karagdagang mga ospital para sa war veterans sa Visayas at Mindanao.
Sa kaniyang Senate Bill No. 2544, hindi matatawaran ang serbisyo na ibinigay ng war veterans para sa seguridad ng bansa kung kaya’t kailangan na mabigyan din ang mga ito ng sapat na atensiyong-medikal.
Iyon nga lang aniya ay isa lang ang veteran’s hospital ng bansa at matatagpuan lang sa Metro Manila.
Ani Villar, hindi ito accessible sa ibang mga beterano na nagmumula sa malalayong lugar gaya na lang sa Visayas at Mindanao.
Sakaling magkakaroon na ng iba pang veteran’s hospital, saklaw rito ang medical, surgical, at psychiatric services.