Karagdagang Navy ships, ipakakalat sa West Philippine Sea para magpatrolya

INATAS ni Armed Forces of the Philippine (AFP) chief-of-staff, General Cirilito Sobejana ang pag-deploy ng karagdagang Philippine Navy ships para palakasin pa ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni AFP spokesperson, Marine Maj. Gen. Edgard Arevalo, layunin ng karagdagang presensya ng naval sa lugar ay upang tiyakin sa mamamayan na patuloy ang dedekasyon ng militar sa pagprotekta at pagdepensa sa kanila laban sa pananakot.

‘By the increased naval presence in the area, we seek to reassure our people of the AFP’s strong and unwavering commitment to protect and defend them from harassment and ensure that they can enjoy their rights over the country’s rich fishing ground which is the source of their livelihood,” pahayag ni Arevalo.

Ayon kay Arevalo, magiging “mata at tainga” ng gobyerno ang Western Command ng AFP sa pagbibigay ng impormasyon sa mga pangyayari sa napakalawak na teritoryo ng karagatan sa bansa.

“The importance of the data obtained from our littoral monitoring stations, from our Marines manning the islands, islets, and features they occupy, and those from regular aerial and maritime sovereignty that are contained in our reports to the NTF WPS (National Task Force for the West Philippine Sea) cannot be overemphasized,” aniya.

Maliban dito, gagawa rin ng non-traditional na pamamaraan ang AFP sa pangangasiwa sa isyu ng WPS.

“AFP representatives engaged on March 24, 2021 their Chinese counterpart in a meeting to discuss the situation obtaining in the WPS as reported. We conveyed the Defense Secretary’s demand for the vessels to leave Julian Felipe Reef where 183 vessels were sighted per AFP’s recent aerial patrol,” ani Arevalo.

Kamakailan lang ay inireport ng Philippine Coast Guard ang nasa 220 Chinese fishing vessels na pinaniniwalaang lulan ng Chinese maritime militia personnel na nakaangkla sa palinyang pormasyon sa Julian Felipe Reef noong Marso 7.

Kinumpirma nitong Lunes, Marso 22, na 183 Chinese vessels ang makikita sa parehong lugar.

Ngunit itinanggi naman ng China na may presensya ng Chinese militia sa Julian Felipe Reef kundi mga Chinese fishing vessels lamang ang sumilong sa lugar dahil sa maalong karagatan.

(BASAHIN: Presensya ng Chinese maritime militia sa Julian Felipe Reef, itinanggi ng China)

SMNI NEWS