Karagdagang pre-pandemic routes, binuksan na ng LTFRB

Karagdagang pre-pandemic routes, binuksan na ng LTFRB

INANUNSYO ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mayroong 43 karagdagang pre-pandemic routes ang binuksan ng ahensya, ngayong Biyernes.

Batay sa inilabas na Memorandum Circular No. 2022-073, ang mga binuksang ruta para sa mga traditional PUJ, Modern PUJ, at UVE ay saklaw ng Metro Manila Urban Transport Integration Study Update and Capacity Program Area.

Mula sa 43 rutang binuksan, 20 nito ay PUB routes kung saan nasa 1,675 PUB units ang papayagang bumiyahe.

Sinabi naman ng ahensya na ang pagbubukas ng mga naturang ruta ay pagtugon ng LTFRB sa pangangailangan ng pampublikong sasakyan sa gitna ng pandemya.

Sa kabila niyan, pinapaalala pa rin ng ahensya sa mga PUV driver na sumunod sa mga alituntunin at polisiya ng LTFRB na nakasaad sa kanilang Certificate of Public Convenience (CPC).

Ang sinumang mahuling lumalabag sa mga ito ay papatawan ng karampatang parusa base sa Joint Administrative Order 2014-01.

Follow SMNI News on Twitter