Karagdagang puhunan handog ng OVP sa sari-sari store owners sa Dagupan

Karagdagang puhunan handog ng OVP sa sari-sari store owners sa Dagupan

BILANG bahagi ng programang Mag Negosyo ’Ta Day (MTD) ng Office of the Vice President (OVP), nakatanggap ng livelihood assistance ang tatlong benepisyaryo na pawang may mga sari-sari store businesses mula sa Dagupan City, Pangasinan.

Sa pamamagitan ng OVP – Pangasinan Satellite Office, nakatanggap sila ng tig-Php 15,000 livelihood assistance upang mapalago pa ang kanilang negosyo.

Ang MTD ay isa sa mga programa ng OVP kung saan layunin nito na tugunan ang kawalan ng trabaho at magbigay ng livelihood assistance sa mga Pilipinong kabilang sa vulnerable at disadvantaged sectors, kababaihan, at mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble