Karagdagang Sinovac COVID-19 vaccine, ibibigay ng China sa bansa

Magbibigay ng dagdag ang bansang China ng 400-k dosis ng Sinovac COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

Ito ang kinumpirma ni National Task Force Deputy Chief Implementer at Tracing Czar Vince Dizon sa laging handa public briefing.

Matatandaang nagbigay ang bansang China ng 600-k na Sinovac vaccine na ginagamit ng bansa para sa pagbabakuna ng mga medical frontliner ng bansa.

Nagpapasalamat naman si Sec. Dizon sa kabutihan na ito ng China sa bansa.

Sa ngayon, aabot na sa isang milyon ang bakuna na naibigay ng China sa Pilipinas.

Samantala, bibili naman ang Pilipinas ng isang milyon pang dosis ng COVID-19 vaccine mula sa China para sa patuloy na vaccination ng gobyerno.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.