NAKATANGGAP ng karagdagang bakuna kontra COVID-19 ang Dumaguete City, kahapon, Hulyo 8.
Aabot sa 7,000 karagdagang vials ng bakunang Sinovac, ang dumating sa nasabing lungsod upang makatulong na mapabilis ang pagbabakuna sa maraming mga residente ng lungsod.
Ito ang pang tatlong kargamento na pinadala ng national government sa Dumaguete City bilang pagtupad sa kahilingan ni Mayor Felipe Antonio Remollo na makakuha ng karagdagang mga bakuna alang-alang sa mga residente ng lungsod na sa kasalukuyan ay dumadami pa rin ang kaso ng COVID-19.
Nagpapasalamat rin si Mayor Remollo kay President Rodrigo Duterte, Senador Bong Go, at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. dahil sa madali nitong naipaabot ang mga bakuna na nakakatulong upang mapabilis ang pagbabakuna sa mga residente.
Samantala aabot na sa 27,000 na kabuuan ng mga bakuna kontra COVID-19 ang naipadala sa lungsod kung saan hinihikayat ang lahat na magpabakuna na upang maging ligtas sa COVID-19.
BASAHIN: Dumaguete, ‘area of most serious concern’ sa labas ng NCR — OCTA