Karahasan sa mga OFW abroad, patuloy pa ring dumarami

Karahasan sa mga OFW abroad, patuloy pa ring dumarami

DAPAT pang paigtingin at palakasin ang bilateral labor agreement ng Pilipinas at ng ibang bansa para maibsan ang nagpapatuloy na karahasang dinaranas ng mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Ito ang iginiit ni Chairman Atty. David Castillon, founder ng Special Alliance of Welfare Officer, Advocate, Recruiters and Migrant Workers (SWARM).

Sinabi ni Castillon na government to government ang pag-uusap ng mga bansa para bigyan ng pangil ang kanilang bilateral labor agreement at nang mabigyan naman ng maayos na terms and conditions ang mga manggagawang Pilipino.

“Alam mo ‘yung batas nila, ‘yung pinapairal doon ay ‘yun ang sinusunod nila, eh may sarili rin tayong batas dito. ‘Yung mga ugali ng mga employer ‘yun ang nangingibabaw, kaya nga sabi natin dapat meron day off, merong rest day, mayroong sapat na tulog ang mga tao” pahayag ni Atty. David Castillon, Founder/Chairman, SWARM.

Aminado si Castillon na ang mga nabanggit ay napapaloob sa kontrata na hanggang ngayon ay hindi pa nasusunod ng mga employer.

Aniya, marami pang mga bansa ang walang bilateral labor agreement kasama ang Pilipinas lalo na sa mga bansa sa Gitnang Silangan.

“Malaki ang market sa Middle East pero ‘yung risk,’yung mga behavior ng mga employers doon, iba talaga ang kultura sa Middle East, para bang ang mga domestic helper doon medyo inferior ang treatment sa kanila,” dagdag ni Castillon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble