Karahasan vs media professionals tuwing eleksiyon, isang “election offense”—PTFOMS, COMELEC

Karahasan vs media professionals tuwing eleksiyon, isang “election offense”—PTFOMS, COMELEC

TINUTURING na election offense ang mga banta, pangha-harass, pisikal na pang-aatake, at iba pa laban sa mga miyembro ng media tuwing election period.

Nakapaloob ito sa lalagdaang memo ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) at Commission on Elections (COMELEC).

Alinsunod na rin anila ito sa ipinangako ng pamahalaan na “ligtas” na kapaligiran para sa media.

Kaugnay rito, batay sa World Press Freedom Index ng Reporters without Borders, nasa ika-134 mula sa 180 na bansa ang Pilipinas.

Tinawag pa ng international watchdog ang Pilipinas bilang isa sa pinaka-mapanganib na bansa para sa media professionals.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble