BINANGGIT ni Mayor Benjamin Magalong ang motibo ng ilang politiko sa kanilang pagtakbo sa posisyon, na may kinalaman sa mga personal na benepisyo kaysa sa paglilingkod sa bayan.
“Ngayon na nandito ako sa politics, ngayon ko lang nalaman na konti lang pala ang politiko na talagang sincere.”
“Karamihan ng politiko na tumatakbo ay dahil doon sa acronym na MAP-masarap ang posisyon, masarap ang power, at higit sa lahat, masarap na masarap ang pera. ‘Yun lang naman talaga ang incentive nila.”
“Kung anu-ano na lang ang sistema para manatili sila. Ginagawa nilang magastos ang eleksyon para sila lang, kasi ‘yung ibang kandidato walang kakayahan.”
“Kaya dito sa Pilipinas, mananalo ka lang kung may pera ka,” pahayag ni Mayor Benjamin Magalong, Baguio City.