Karamihan sa mga lugar sa Mactan Cebu, naibalik na ang suplay ng kuryente

MAYORYA sa mga lugar na nawalan ng kuryente dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette ang naibalik na sa Mactan, Cebu.

Sa update na ipinalabas ng Mactan Electric Company Inc. napagana na nila ang ilang electric feeder.

Kabilang dito ang Feeder 7 na nagsusuplay ng kuryente sa bahagi ng 2nd Bridge patungong PNB Cemento, bahagi ng Gaisano Mactan patungong Minzi, sa bahagi ng Cebu shipyard hanggang Tapang Clinic at PCB Canjulao 1st St. patungong Babag 1 Fire Station.

Ayon sa MECI naisayos na rin ang Feeder 1 na nakakonekta sa Humay-Humay, Basak, Tamiya , Corner Hoops Dome patungong Humay-Humay Ceres Road.

Gayundin ang Feeder 2 ng MECI na nagsusuplay ng kuryente sa bahagi ng Osmena St. mula Pueblo Verde patungong Shopwell , Color (Ouano) hospital at La Nueva.

Follow SMNI News Twitter