Karamihan sa mga NBP inmates na nagpositibo sa COVID-19, balik-selda na

Karamihan sa mga NBP inmates na nagpositibo sa COVID-19, balik-selda na

KINUMPIRMA ng Bureau of Corrections (BuCor) na naibalik na sa kanilang selda makaraang nakalabas na sa isolation facility ang ilang persons deprived of liberty (PDL) na unang nagpositibo sa COVID-19.

Sa medical report na isinumite kay BuCor Director General Gregorio Catapang, Jr. ay 16 na lang na mga preso ang nananatili sa isolation ward, kung saan walo sa kanila ay pawang mga mild na lamang ang nararamdamang sintomas at walo rin ang asymphtomatic.

Sa kabuuan ay umabot na sa 105 ang nahawahan ng sakit mula sa higit 2 libong PDL’s na isinailalim sa antigen test mula May 3 – May 8.

Kabuoang 11 tauhan naman ng BuCor ang nagpositibo mula sa 50 na isinalang sa COVID-19 test.

Patuloy naman ang contact tracing para maiwasan ang pagkalat pa ng virus sa mga inmates at mga personnel ng BuCor.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter