86 percent ang satisfaction rate ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ayon sa 2023 fourth quarter survey ng OCTA Research.
Mas mataas ito kumpara sa mataas na ring 83 percent satisfaction rate ng AFP noong Setyembre 2023.
Sa kaparehong survey, 87 percent naman ang nakuhang trust rating nito at sa Mindanao nila nakuha ang pinakamataas na grado.
Ang fourth quarter survey ng OCTA Research ay isinagawa noong Disyembre 10-14, 2023 at may 1.2-K itong respondents.