SA unang araw ng Disyembre, isang eksklusibong panayam ang pinaunlakan ni Vice President Inday Sara Duterte kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy.
Sa SMNI Exclusive, iba’t ibang isyu ang tinalakay ng bise presidente at ng butihing Pastor kabilang na rito ang hamon ngayon sa paghawak ng dalawang posisyon sa gobyerno.
Ani Inday Sara, napakalaking tulong ng kanyang karanasan sa lokal na pamahalaan sa kanyang pagtangan ngayon sa national position bilang Pangalawang Pangulo at Education Secretary.
“In the 3 terms, madami talaga akong natutunan. And I would really say na pinakamaganda na umakyat sa mga national positions are the Mayors and the Governors,” ayon kay VP Sara.
“Kasi ’yan kasi Pastor may mahaba silang experience sa operations, therefore pagdating nila doon when they conceptualize policies, naiisip din nila mahirap ito implement sa baba kasi ganito ‘yun challenges on the ground,” dagdag ni VP Sara.
“‘Yun yung haharapin nila and that’s where you excel right now kasi na implement mo na,” ani Pastor Apollo.
“Nakatulong po talaga ‘yung experience ko as Mayor,” ayon pa kay VP Sara.
Mga tagumpay ng Davao City, nais ni VP Inday Sara Duterte na maranasan sa buong bansa
Dagdag ni Vice President Sara Duterte, plano ng kanyang opisina na dalhin ang mga tagumpay ng kanyang pamamahala noong mayora pa siya ng Davao City.
“Karamihan ng mga nasa Office of the Vice President ay ‘yung mga kasamahan ko din dito sa City Government of Davao kasi ang mga dinala ko na projects sa Office of the Vice President were success stories natin dito sa Davao City. So, I wanted to share that with other LGUs,” pahayag ni VP Duterte.
Isa na nga rito ang pagpapalawak ng medical at burial assistance sa ilalim ng Office of the Vice President.
“So, noong lumipat ako sa Office of the Vice President, nakita namin Pastor na ‘yung medical at burial assistance na trabaho ng Office of the Vice President, nandoon lang umiikot sa NCR. Sa National Capital Region lang siya, lahat ng beneficiaries niya sa National Capital Region lang. So, nag-implement kaagad kami ng natutunan namin dito sa City Government of Davao. Sabi ko, buksan natin ang satellite offices para doon natin ibaba ang tulong para hindi siya naka-concentrate sa NCR, meron ding nakaka-benefit sa Visayas, meron nakaka-benefit sa ibang areas ng Luzon, and meron din dito sa Mindanao,” aniya pa.
Permanenteng opisina at residensya ng OVP, nais isakatuparan ni VP Inday Sara Duterte
Nais din ni VP Inday Sara na magkaroon ng permanenteng opisina at residensya ang opisina ng Pangalawang Pangulo ng bansa.
“Kasi sa Office of the Vice President kasi Pastor, walang permanent na na-iinstitutionalized na projects doon sa loob. Ang natutuloy lang every new Vice President is ‘yung medical and ‘yung burial assistance na from the time of Vice President Noli de Castro. So, ‘yun lang ‘yun. Tapos, naisip ko dalhin ‘yung mga success stories for the Office of the Vice President,” wika pa ni VP Sara.
“Pero ‘yung plan talaga namin, vision namin for that office, ‘yung permanent na iiwan namin doon na project is ‘yung office talaga or permanent office and residence ng future Vice President. So, isa ‘yun sa mga tinatrabaho namin and the institutionalization of the security ng Office of the Vice President. So, ‘yun ‘yung after 6 years hopefully maiwan namin diyaan sa office na ‘yan,” aniya.
VP Inday Sara Duterte, agresibo nang lumalaban vs insurhensya kahit alkalde pa lang ng Davao City
Samantala, ang masalimuot na karanasan ng kanyang liderato sa Davao, sa kamay ng mga NPA noon ang nagtulak din sa Bise Presidente na maging agresibo upang tuldukan ang insurhensya sa bansa.
“Noon second term ko noong 2016 Pastor, doon din namatay si Larry, ‘yung fish vendor na tinamaan ng shrapnel after sinunog ‘yung box plant sa Lapanday. And meron ding namatay na junior officer ng Armed Forces of the Philippines dito sa Paquibato District, na medyo naging aggressive, very aggressive and passionate ako in solving the insurgency problem natin dito sa syudad ng Davao,” kwento pa ng VP.
Malinaw rin ang taya ni VP Duterte na dalhin ang katagumpayan ng Davao City sa pagsugpo ng insurhensya at terorismo sa bansa.