TINALAKAY sa general assembly ng mga senior citizen ng Bagac, Bataan ang iba’t ibang benepisyo at karapatan sa ilalim ng binuong National Senior Citizens Commission (NCSC).
Sa gitna ng dayalogo, hinimok ng komisyon ang lahat ng senior citizens hindi lang sa bayan ng Bagac kundi maging sa buong bansa na pangatawanan at huwag hayaan hindi makuha ang mga benepisyong inilalaan ng pamahalaan para sa kanila.
Ayon sa mga kalahok, labis ang kanilang kasiyahan na malaman na hindi sila pinapabayaan ng gobyerno mula sa pangangailangang-medikal, pensiyon, pangkabuhayan, at discount sa mga pangunahing serbisyo mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.
Bagakenyong senior citizen, nagpasiklaban sa katatapos lang na ‘May Flower Coronation 2023’ sa Bataan
Sa kabilang banda, bilang bahagi ng pagbibigay-pugay sa kontribusyon ng mga senior citizen sa bawat pamilyang Pilipino.
Nagpatalbugan, nagpagandahan at nagpasiklaban sa Q and A ang mga kalahok ng search for ‘May Flower 2023 Senior Citizens’ edition, sponsored ng SCRC Real Estate Development.
Wala kang maitulak-kabigin sa preparasyon ng lahat na talaga namang pinaghandaan hanggang sa maiproklama ang panalo na kinatawan ng Brgy. Bagong Bayan, Bagac, Bataan.
Sa huli, kinilala rin ng mga panauhin ang sakripisyo ng mga senior citizen sa kanilang pamilya, at higit sa lahat sa bawat komunidad na kanilang kinabibilangan.
Anila, kung wala ang mga matatanda, walang bagong henerasyon na uusbong na magtataguyod ng maayos na komunidad para sa mga kabataan hanggang sa kanilang pagtanda.