BIGONG mailabas ng bansa ang kargamento na naglalaman ng isa sa mga mamahaling uri ng kahoy sa buong mundo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa ulat ng Bureau of Customs (BOC), idineklara bilang dried wood chips ang naharang na isang kilo ng agarwood na nagkakahalaga ng P750K.
Dahil sa kahina-hinala ang shipment, idinaan ito ng mga tauhan ng BOC-NAIA sa physical examination at dito nga napag-alam na ito ay agarwood na ginagamit bilang pabango, tradisyonal na medisina, at luxury products.
Sa ilalim ng Wildlife Resources Conservation and Protection Act, mahigpit na ipinagbabawal ang pangangalakal at pag-export ng mga endangered and protected species.
Bukod diyan, nilabag din ng naturang kontrabando ang Customs Modernization and Tariff Act at Forestry Reform Code of the Philippines.
Agad naman na-i-turnover ng mga awtoridad ang naharang na agarwood sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa tamang pangangasiwa at disposisyon.
Follow SMNI News on Rumble